Kahalagahan ng wika at katutubong wika

 Pamahalaan- ang mga dokumento, mga nakasulat sa papel na isasabatas sa publiko, mga impormasyon na dapat malaman ng publiko ay karapat dapat na naiintindihan ng nakakarami at nagbibigay kaalaman sa lahat

Pang araw araw na pamumuhay- Ang wika ay pangunahing pondasyon at instrumento sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mamayan at mahalaga ito upang makipagtalastasan sa kapwa.
Sa bansa at mga naninirahan nito- ito ay kasangkapan upang ang mamayan ay magkakabuklod buklod at magkaisa sa pamamagitan ng wikang naiintindihan ng lahat.
KAHALAGAHAN NG
KATUTUBONG WIKA
• Pagbibigay kahalagahan sa mga katutubo- nabibigyan ng pagpapahalaga ang kaniyang  pinagmulan at kultura.
• Magsisilbing gabay sa pagalam ng nakaraan- ang katutubong wika ay maaring magkonekta sa katutubong banyaga.
MGA WIKA SA PILIPINAS ; KATUTUBO , DAAN PARA SA MALAYANG PAKIKIPAGTALASTASAN – Sinasabing higit limang daan (500) ang wika sa pilipinas , at kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga mayroong wika at kulturang dibersidad. Sapagkat, ang Pilipinas ay multikultural, na nagdudulot ng maraming usapin sa ating mga wika at pagiging multilinggwal.

Filipino, Ilocano, Cebuano, Bicolano, Panganese, Kapampangan, Hiligaynon at Waray-waray, iba't ibang presentasyon ng katutubong wika na nagpapakita ng iba't ibang kultura.

Mga wikang nagsimula sa salitang nabuo ng iba't ibang rehiyon at lahi. Ginagamit sa pakikipag-usap/ pakikipagtalastasan. Kinokonekta ang bawat isa, at ito ang kahalagahan ng mga katutubong wika sa pakikipagkapwa sa lipunang Pilipino, sa paaralan , sa trabaho, sa simbahan, sa mga matataong lugar, berbal at di-berbal man, harapang usapan man o online.